Monday, August 4, 2008

kaya ko kaya?!?

Photobucket

nagsimula ang mga pagbabago sa buhay ko ng dahil sa isang "job posting." wow! financial account! biglang nanumbalik lahat ng ala-ala ko nung ako'y nasa kabihasnan pa...naks naman! gusto ko mag-apply! hehehe nakaka-excite naman ito! ni hindi ko na napansin na para pala ito sa bagong negosyong nakuha ng kumpanya... napako lang ang aking paningin sa mga katagang "financial account."
malamang sobrang galak ang aking nadama kasi naman... dito ako nararapat mapabilang... hindi sa sinasabi kong nagkamali ang kumpanya sa paglagak sa akin sa napaka-prestihiyosong account na aking kinabibilangan pero naman... masyadong teknikal ang lahat para sa akin... sabihin na lang nating kumplikado kasi... pero in fairness, madami din naman akong natutunan sa mga taong aking nakasalamuha at nakadaupang palad sa account na nabanggit.
dahil sa sobrang kagalakan hindi ko naisip na madami palang gustong lumahok at mapabilang na maging mga unang miyembro ng account na ito... hhaaayyyy... sabay guho ng mga pangarap... sabi ko nga e... wag na magtangkang mag-apply... matitinik ang mga kalaban... tsk tsk tsk isama pa natin ang isang taong malapit sa aking puso na nagpahiwatig ng kanyang saloobin at pagka-gusto na mapabilang sa kanila... okay, fine! hindi na ako sasali... kayo na lang... sabi nga nya, ibalato ko na lang daw sa kanya... o e di sige... tinulungan ko sya sa mga kinailangang papeles para sa kanyang intensyong lumipat... ayan... malapit na ang deadline... hhhaaayyyyy...

deadline has been extended...
wow! senyales ba ito?!? Lord, alam kong mahal Mo ako... kaya ba nag-extend ang deadline?!? hehehe (iloveyou, Lord) at sa hindi inaasahang sandali, nakatanggap ako ng mensaheng hindi ko alam kung bakit nasabwat ang aking pangalan... pero salamat sa taong ito, muli akong nabuhayan at nagkaron ng lakas ng loob na ituloy ang aking pinaplano... tapos biglang may nag-text... gusto mo ba talaga mag-apply? bakit hindi mo sinasabi sa akin? naku!! lagot na! patay tayo dyan... aaa... eee... oo sana, un lang ang aking nasambit... ang sagot? sige magusap tayo mamaya pagdating mo.
eto na nga ba sinasabi ko e. malupit na paguusap ang magaganap... pano ko ba sasabihing sobrang gusto kong mapabilang sa kanila?!? hindi ko ata kaya...
sabi nga sa English, "don't underestimate your peers... don't put words on their mouths. and more importantly, don't assume..." mali na naman ako... dapat nga sinabi ko na lang agad ang aking saloobin... hmm dala na din siguro ng takot ito. natapos ang paguusap ng merong ngiting namumutawi sa aking bibig. hehehe

pinayagan ako!!! yehey! nagsimula na kong magayos ng mga kapapelesan ng makita ako ng isa sa mga minamahal kong ahente... "inay! ano yan?!" naku oo nga pala... problema na naman! hindi ko pa pala nabanggit sa kanila ang aking binabalak. napagdesisyunan kong kausapin na sila para ipaalam ang aking plano. damang dama ko ang sama ng loob ng karamihan sa kanila (syempre hindi mawawala ang mga nagdiriwang!) ng aking isambulat ang aking mga pinaplano. ayaw nila akong payagan. wag daw. kaya daw ba ng kunsensya kong iwanan sila. nagtampo din ang taong tinutulungan kong mag-apply. "kala ko ba balato mo na to?" maderfader naman o... sorry naman... tinangka kong ipaliwanag at kanila namang naintindihan. saka wala pa naman kasiguraduhan na ako'y matatanggap.
heller?!? maga-apply pa lang ako. hehehe kaya kahit pa ayaw ng karamihan, itinuloy ko pa rin ang aking balak.
yehey! naka-schedule na ko for interview. sana maging okay ang lahat... hmm sa tingin ko naging okay naman nga, at bago matapos ang interview sinabihan akong merong feedback session na magaganap bago matapos ang linggo o di kaya's sa susunod na linggo. sa feedback session ko malalaman kung ako'y nakapasa o hindi.

pagkatapos ng paghaharap na ito, nawala na sa isip kong nag-apply pala ako. dahil nga sa dami at galing ng mga kalaban, inisip ko na lang na tanggapin ang katotohanang hindi ako matatanggap. kunwari na lang walang nangyari. kunwari hindi ako nag-apply. kunwari... andaming lumabas na haka-haka na kumpleto na daw un roster... at hindi ako kabilang sa listahan... hhhaaaayyyy... okay lang. better luck next time. bago naman yan e. malamang kukuha ulit sila. dun na lang ako sa next time... pati ang aking minamahal na kuya naisip na kasali ako dun. nyerks?!? okay ka lang? hindi nga noh? kumpleto na nga daw e. asa pa ko... kahit pa sinabihan nya akong, "wala pa naman un feedback session mo diba? wag kang mawalan ng pag-asa." parang wala rin lang yung epekto.
nakatanggap ako ng tawag at sinabing, "your schedule for the feedback session would be on Friday at 11pm." huh? off ko yun... wala akong pera kasi wala pang sweldo... pano ko pupunta? bahala na nga...cge na nga opo, pupunta po.

ang feedback session...
kaharap ang boss para sa bagong account...
Bossing: how are you doing?
Blogger: i'm good sir. although i'm still a bit sleepy since it's my rest day.(reklamador ka talaga! tsk tsk tsk)
Bossing: oh alright... well, i'm sorry to say this but you weren't able to make it."
(naku!! eto na nga... gumuho na yun mundo ko, ayoko ng magsalita.)
Blogger: thanks for the time and opportunity, sir.
(yun lang ang tanging nasabi ko... tapos bigla nya kong tinawanan...)
Bossing: (smiling) do you really believe that you didn't pass?
Blogger: (huh? e diba kakasabi mo lang?) uuhhh.. yeah?
(ano daw? naguluhan ako dun a... teka lang... WAIT!!! STOP! TIGIL! HALT! ano ng nangyayari?)
Bossing: i was just kidding!
Blogger: (teka, wait stop, tigil, halt ulit... one more time... ano daw?!?) excuse me?
Bossing: I said... i was just kidding! You got in! You've made it! Congratulations! (with a big grin on his face)
Blogger: (huh? joke time ba ito?!? syempre confused na daw yung itsura ko) sir? are you serious?!? seriously, what is it really? (hindi ko na ma-imagine itsura ko)
Bossing: I am serious. You got in along with these other people as coaches and these people as trainers. (hindi ko na narinig un iba pa nyang sinabi)
Blogger: oh okay sir. thanks.

hindi ko alam kung matutuwa ako sa aking narinig o matatawa ko sa itsura ko nung narinig ko yun. pero wala man isa dun ang nagawa ko... naiyak ako! tae talaga! ako kasama?!? it's all surreal! totoo ba ito? o baka naman joke time na naman? ewan ko basta ang narinig ko tanggap daw ako! yuhoo!!! yehey!!!
(to be continued...)

No comments: