Tuesday, August 5, 2008

bawal magkasakit...

Photobucket halina't magreminisce muna tayo...
bago pa dumating ang huling araw sa magulong mundo... balik tayo sa isa sa mga huling araw ko sa mundong ito... hayan syempre at hindi ka pa rin tinatantanan ni Hito (naku naman... iba ka talaga), nandyang kwestyunin pa rin ang iyong kakayanan kahit napapalapit na ang napipintong paglipat na diumano'y magde-demotivate ng team. pinagisipan pa na magre-resign ang buong team dahil sa loyalty ng grupo sa kanilang coach. ano ba? makialam ba? napagusapan na namin ng team ko ito. hindi nila yan gagawin. hindi pwede. weheheh (dinaanan sa takot. joke lang mga anak.)
sabi ng kuya ko, ayos naman daw akong magpalakad ng team. nakaya ko daw buuin ang minsang nawasak na pagsasamahan kahit sa ngalan na lang ng trabaho. touched naman ako dun! salamat kuya! ahihihi buti na lang hindi ko na kailangan na palaging magbigay ng blow-by-blow account ng lahat ng ginagawa ko. basta merong resulta, aalamin nya lang kung pano ko yun nagawa para maibahagi sa iba.
biglang sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasakit ako. kakatapos naming maglipat ng bahay noon. naulanan habang naglilipat, na kahit pagod at nilalagnat na, nakuha ko pa din pumasok. kaso nalintikan na. natuluyan na. alam mo ba yung pakiramdam na kahit ikaw ay hindi mo kayang buhatin ang iyong sarili patayo ng higaan pero dahil sa kagustuhan mong makapasok para lang hindi ka makapag-absent ay gagawin mo? ganun na nga ang ginawa ko. inaapoy na ako ng lagnat, tapos ang dadatnan mo pa sa opisina ay ang mga tao na sasabihan ka ng, "i know you're already celebrating." maderfader naman o... ang tanging nasabi ko na lang ay, "not today, please?!" oo, wag ngayon... bukas siguro pwede na. tapos sabay hirit na, "are you okay? you don't look so good?" hello?!? bulag ba kayo?!? meron akong sakit! pero ano? ng dahil sa lintik na banta ni Hito, pipilitin ko na lang pumasok. nasa mentalidad ko na ang mga salitang, "wag mong ibibigay sa mga taong ayaw sa iyo ang satisfaction na tama ang iniisip nila tungkol sa iyo." hindi sa gusto mo silang mabuwisit sa iyo, pero mas masaya pag alam mong nag-ngingitngit sila sa galit lalo na kung wala silang makitang rason para sitahin ka. e ang kaso, sadyang malupit ang tadhana... kinabukasan, eto na nga... walang tao paggising ko. ni hindi ako makagalaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. pinilit kunin ang telepono para tignan ang oras. nalintikan na. dalawang oras na lang bago magsimula ang shift ko. kaso hindi ko talaga kaya. sobrang bigat ng ulo ko na nakakadama lang ako ng ginhawa pag ipipikit ko ang aking mga mata. tinignan ko ulit ang telepono. bahala na. tatawag na ako. hindi ko na talaga kaya.
sobrang swerte ko! ang pinakamabait na alagad ng siyensya ang aking nakausap. eto ang naging paguusap namin... (so malamang edited na ito. baka hindi na kayanin ng mga mambabasa e. baka bigla na lang akong i-flag at bigla na lang mawala ang blog na ito.)
Blogger: i just wanted to advise that i can't come in to work today.
Albularyo: and why is that?
Blogger: i was having episodes of asthma and migraine. and now i can't even get out of bed because my temperature is way up and i could not even move. also, i don't even have someone here to take care of me.
Albularyo: is that so? alright. when was the last time you drink? because if you have fever it would only mean infection. and when we say infection, it could be brought about by alcohol.
B: (adik ka ba?! alcohol? meron ba akong nabanggit na lasinggera ako?!) uhmm i haven't had a drink for a long time already. i think this has been brought about by me being under the rain for a long time. we just moved into another house.
A: ahh okay. alright then... i would have to ask you to seek hospital consult now at Notre Dame.
B: (tae naman... anong hindi mo naintindihan sa sinabi ko?) uhmm i just mentioned that no one is with me and i couldn't even get out of bed. could i just do that once my roommate comes home?
A: alright. i'll just tag here that you have refused hospital consult.
B: (huh?!? bingi ka ba?! gusto mo ba tagalugin ko?!) wala nga akong kasama, so sinong magdadala sa akin sa hospital?
A: you should know the process. coach ka pa naman. yan ang hirap e. palibhasa coach, kaya akala nyo above the law kayo.
B: (taena.. ayoko na pumatol. ang kati mo sa utak!?! peste!) do whatever you want. (sabay baba ng telepono)
ang galing talaga. nakakabilib. ayoko na lang magkumento pa. napakatalino nyang nilalang. na sa sobrang katalinuhan nya e hindi ako sigurado kung pano nya nasabing lasing lang ako... wow! ang napakalupit na alagad ng siyensya?!? ambisyosa! wehehe
kahit masama pa rin ang loob, minabuti ko na ding magpatingin sa mga dalubhasa sa nasabing ospital. sandamakmak na pagsusulit ang aking pinagdaanan (cbc, blood test for malaria & dengue, urinalysis, fecalysis, xray, etc.) ayos a! mistulang executive checkup. ang hindi ko maubos-maisip ay kung pano napasok ang malaria at dengue. mukha na ba akong meron ganung sakit? my ged! this is not right! habang hinihintay ko ang resulta, hinayaan nila ako na mahiga sa isa sa kanilang mga higaan. hindi na ako magrereklamo. pasensya na. nasanay lang kasi ako sa mga magagarang ospital sa kabihasnan e. wala nga palang ganun dito. ahihihi sorry po. lumabas ang resulta. meron daw akong malaria at UTI. huh?!? teka, san galing yun?!? kelangan daw akong i-confine. ano daw?!? hindi ako pumayag. kahit labag sa loob nila, pinapirma nila ako ng waiver. fine! uwi na lang ako!
at dahil sa mga kaganapang ito, nagpasya ang aking mahal na ina na ako'y sunduin para magpa-check sa mga dalubhasang aming pinagkakatiwalaan. hay salamat! mga dalubhasang kaya kong ipagkatiwala ang buhay ko. weheheh bad bad na huh? tsk tsk tsk sinabi ko sa kanila lahat ng mga kalokohang pinaggagawa sa akin ng mga diumano'y dalubhasa sa kanayunan (no offense meant huh? >defensive mode lang). benefit of the doubt ika nga ng isang doctor. gawin din daw ang parehong pagsusulit. second opinion kumbaga. o sige po, go lang. ginawa na naman yan e. saka dugo lang naman ang mawawala sa akin e. nagpasubali ako sa kuya ko. sinabi kong ako'y nasa kabihasnan at kasalukuyang nagpapatingin sa dalubhasa. magpagaling daw ako at sabihan ng updates kung meron. dumating ang resulta. yehey! negative sa lahat ng tests! walang katotohanan lahat ng mga pinagsasabi ng mga dalubhasa sa kanayunan. woohoo! hehehe pero meron palang catch... napansin ni doc ang mga pasa sa aking mga binti at braso. nnnooooo!!!?!? kelangan ko daw ng espesyalista! hindi daw ito normal. paksh*t kala ko naman okay na. tipong lagnat laki lang ang sakit ko (syempre kasama pa din ang migraine at asthma). espesyalista sa dugo at endocrinology na naman. tsk tsk tsk ayos... binigay ang reseta at referral forms tapos pinauwi na ako. wag daw akong magkakamaling bumalik ng baguio ng hindi nagpapatingin sa doctor na inirekomenda. nalintikan na. ibig sabihin... hindi na naman ako papasok?!? laking tuwa na naman ni Hito nyan... tsk tsk tsk hayaan na nga lang. magpatingin na...

natapos ang pagpapatingin sa espesyalista ngunit kinailangan ko ng bumalik sa probinsya para magtrabaho na ulit. lintik! ano pang suswelduhin ko nito? piso?!? hhaaayyyy buti na lang meron financier. hehehe sagot muna ako ni mama. *naks* sa sandaling ako'y tumapak na naman sa mundong ginagalawan (sa probinsya) ang ganda ng bumungad sa akin... wow! long time no see a... "you know what this means!" nagpanting ang tenga ko. pero... deadma... diretso sa albularyo para magsumite at kumuha ng karampatang dokumento. hindi daw ako pwedeng magtrabaho. umuwi na lang daw ako. tae naman o. ngayon namang maayos na ang lagay ko, pinapauwi mo naman ako. kaso mas pinili kong manatili. na-miss ko ang mga anak ko. kahit labag sa batas, nagtrabaho pa din ako. eto na naman si Hito... taena talaga... ayaw talaga tumigil... tsk tsk tsk

Hito: hey, did you get my friend's email? it said the other world needs your personal information.
Blogger: huh?!? who's your friend?
H: you don't know? it's Ula...
B: (bakit naman kelangan sa kanya pa ipadaan diba?) uhmm no, i didn't get anything from their side of the world.
H: bahala ka. if you don't send those right away, you won't be able to go with them.
B: (ampotah! bantaan ba ako?!?) oh okay. thanks...
H: and oh by the way, where have you been? bakit parang antagal mong nawala?
B: nagkasakit kasi ako e...
H: naku... you know what that means...
B: (sabi ko na nga ba e... tsk tsk tsk) huh?!? (sabay walkout.)

hindi ko talaga maubos maisip kung bakit kelangan makialam ng pesteng isdang ito sa buhay ko. i AM an eyesore, right? at malapit na naman akong mawala sa paningin nya... so bakit nakikialam pa sya? at kelangan talagang merong mga bantang ganun? hhaaayyyy... hito naman... asikasuhin mo na lang ang buhay mo. wag ka ng mangialam pa sa buhay ng may buhay... ang taas na nga ng ranggo mo e... tama na... pero okay na din sigurong ganyan ka. wala kasing kwenta yung buhay mo e. wahaha joke lang...

No comments: