Monday, August 4, 2008

ang katuloy...

Photobucket hindi ko alam kung pano ko sisimulang sabihin... nagp-playback pa din sa utak ko ang nangyari... ako?!? nakuha?!? yyyeeeessss!!! hehehe ngunit pano ko sasabihin ang magandang balitang ito? hmm bahala na...
iba't ibang reaksyon ang aking nasagap nung bumalik ako ng opisina. kung bakit naman kasi ang aga kong pumasok. hhaaayyy... so ayun na nga... ang mga reaksyon?!? maraming natuwa para sa akin kasi alam nilang doon magiging mas productive ako. sila yun mga taong alam ang mga pinagdaanan ko, lahat ng naging hirap ko. mga taong naiintindihan ako. in short, friends ko. hehehe syempre hindi mawawala ang mga taong nagku-kwestyon kung bakit ako nakasama sa nakuha (at syempre speaking of haters... kasama sa listahan si... HITO! hehehe). hindi daw kasi ako dapat nakasama. madami daw kasi ako masyadong problema at magiging sakit ng ulo lang ako. kasi yun lang ang kaya kong ibigay sa boss ko. hindi na ako nagreact. papatulan ko pa ba? hindi na lang... deadma na lang. sabi ko nga, "not worth my brain cells." hehehe
kaso lang... sa hindi sinasadyang pagkakataon (kapag nga naman sinuswerte ka), nagharap kami ng napakagandang isda!

Hito: I have my eyes on you. Remember that even you have passed the interview, it doesn't mean that you can already do whatever you want. And if you would have an IR, you should know you cannot transfer.
Blogger: huh?!?

hhhaaaayyyyy... ewan ko kung bakit sobrang "hater" ng taong to. parang pinaglihi sa sama ng loob. hindi siguro nakarga nung bata sya. hehehe bad bad... tsk tsk tsk

oh well... oras na naman para mag-huddle ang team. malapit na kasing matapos ang shift. nagpumilit kaming magsiksikan sa loob ng napakaliit na silid. naghahanap ng pwesto... san pwede maupo, san pwede ilagay ang silya... in short, nagiingay na kami.

Blogger: kids, i have an announcement to make...
(biglang natahimik ang meeting room)
uhmm... before i make the announcement, we need to discuss our metrics, where we are at as of today, PAs and other concerns.
(so, aming pinagpatuloy ang meeting... matapos ang mahabang diskusyon, eto na... kelangan na mag-announce)
as for the announcement (chosko Lord... help me!), i wanted you guys be the first to know that i passed the interview and will be joining the new account effective 15th of May. (natahimik na naman ang silid. naman... magreact naman kayo...)
Agent 1: So... uhmm sino na magiging coach namin?
Blogger: I have recommended Rob (Scheider ahihi), since you have already worked with him even before i joined this team. (katahimikan na naman... ano ba to? hindi ako sanay...) so i guess, i'll just see you guys tomorrow... take care on your way home...

syempre masakit para sa akin ang iwan sila. alam kong hindi ko sila dapat iniwan pero alam ko naman din na maiintindihan din nila kung bakit kailangan kong lumipat. minsan ko ng nabanggit ito sa kanila, lalo na sa mga anak kong sobra ng napalapit sa akin.

eto na... dumating na ang pinakahihintay ng lahat... ang last day... kelangan ko na mag-ayos ng mga kalat para ilipat sa kabilang mundo. sabi ko sa sarili ko, unti unti ang gagawin kong paglipat ng mga gamit para meron pa rin akong rason para bumalik at makita sila. hindi sa ayoko sa mundong lilipatan ko. masaya naman ako sa naging desisyon ko. kaso ayoko lang talaga ng feeling na merong naiiwan... nagpaalam na ko sa kanila. paalam na sa magulong mundong ito... *naks*

No comments: