Monday, August 4, 2008

eeyore... eeyore... eeyore...

Photobucket"haynaku eeyore... kaya kita mahal na mahal e... nandyan ka lang lagi..."

July 24, 2008
ang ganda na sana ng araw ko... hindi umuulan... matapos ang shift ko dumiretso ako ng uwi... nagayos ng konti, tapos natulog... kasalukuyan akong nahihimbing sa aking pagtulog (hmm mga 2 hours pa lang ang nakakalipas) ng biglang mag-ring ang telepono. paksh*t! bakit kasi hindi naka-silent? sino ba ito? my gosh! ang aking mahal na kapatid... hhaaayyyy bakit kaya? hindi naman to tatawag ng walang dahilan... hmm sige na nga, masagot na...

(warning: conversation has already been edited)
Blogger: (hikab) hello?
Ate: uy, kat! ate to... (malamang... ahihihi)
Blogger: o bakit?
Ate: nakita ko yun boyfriend mo... dito sa eastwood...
Blogger: talaga? o tapos?
Ate: wag ka magugulat ha?
B: (te naman e... kaya mo kong gisingin diba?) oo na... ano ba yun?
A: kasi nga nakita ko nga sya. tapos meron syang kasamang babae.
B: o ano naman nakakagulat dun? e lagi naman yun meron kasamang babae e...
A: confirmed na girlfriend nya! matagal na daw. kayo na noon tapos nakikita pa ni churva (isa pang friend) dito sa eastwood na kasama nga itong babae.
B: ano?!? (nawala bigla ang antok ko!) pakiulit? ano daw?
A: oo. totoo... nagulat din ako nung nakita ko sila.

hindi ko na naintindihan yun iba pa nyang sinasabi... nagiging bingi na ata ako. ewan ko. ni hindi ko na naitanong kung nakita ba sya ni BF. ni hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. wala na akong naging reaksyon pa. initial reflex?!? tinext ko sya na tawagan ako, na ginawa naman nya. syempre, confrontation na ang sumunod na naganap... lahat ng sama ng loob lumabas na naman. kahit pa yun mga dating napagtalunan na akala ko ay naresolbahan na, kinalimutan ganun... ako lang pala yun, at hindi sya... pero okay pa rin daw kami. tinanong ko na tungkol kay mystery lady at ang ganda ng isinagot... oo totoo daw yun... medyo matagal na din daw kasi ayoko daw pumayag na dito sya sa baguio. e kaya naman daw nyang i-give up lahat. and to add more insult to injury, buntis si babae... ang galing! nawala lang ako ng isang buwan, ganito na agad ang nangyari. kahit pala nagkausap na kami bago pa man ako umalis na all the while akala ko okay pa kami... kahit madami na syang atraso, napatawad ko pa... tapos ganito?!? ayos! ibang level talaga. kaya pala... kaya naman pala meron tong mga hirit nung dumating ako na, "come on, let's get married! immediately! we could even let my mom plan it." uhmm okay ka lang?!? ngayon niliwanag ko sa kanya kung bakit sya nagmamadali magpakasal... oo dahil nga daw dun sa babae. ayaw nya mapikot. hhuuwwaaat? kung hindi ba naman napakatalino mo, kaya mong gumawa ng kalokohan e... tapos madadamay pa ako? kelangan ko magisip... tapos na ang usapan... hindi na ako nakatulog pa. tulalang nagiisip kung ano at panong nangyari to. tumatawag na naman... ayoko ng sagutin.. ayoko na muna makipagusap. naguguluhan pa ko.

July 25, 2008
8 missed calls, 10 new messages received...
dalawa sa messages received ay pawang mga forwarded or messages. yung missed calls at iba pang mensahe? galing lang sa iisang tao. *sigh* lalim ng pinanggalingan... magrereply ba ako? eto na tumatawag na naman... hindi ko sinagot. nagtext lang ako - i'm not yet ready to talk... hindi na nagreply. hindi na din tumawag ulit.

July 26, 2008
2 missed calls, 5 new messages received...
surprisingly, sa iisang tao lang galing ang mga tawag at mensahe. walang spam? hehehe hindi pa ako tapos magisip at magdrama... hindi na ko nag-react pa. no reply sent...

July 27, 2008
2 missed calls (again), 5 new messages received...
sa masugid na mananawag pa rin nanggaling. pati mga mensahe kanya din galing... haynaku... tapusin na nga ito. nagtext ako - i'm ready... sabi ko nga sa status message ko ng araw na un - "i am now ready to face the consequences... finally ready to talk." so he called and we talked. nabanggit ko sa kanyang mahal ko pa sya at matatanggap ko yung batang dinadala nung babae. ang tanging bumabagabag lang sa akin ay pano kung maghabol tong babae? san naman kaya kami pupulutin nun? lalo na ako... walang kasiguraduhan na ang pagpapakasal namin ang magiging solusyon sa problema. so in short, tinapos ko na kahit masakit. ang hirap man tanggapin pero kelangan. hindi na pwede. tapos na talaga. wala na. ayaw nya pumayag... pero para sa akin? tapos na.

July 28, 2008
habang nagpapaka-busy ako dahil induction ng kauna-unahang wave ng account in a few hours, nagri-ring na naman ang telepono ko... sino naman ito? ibang number?! hindi ko kilala... deadma... ilang saglit pa'y meron nagtext. "please answer the call." ay! nagdemand! sana lang magpakilala ka diba? makalipas ang ilang minuto, eto na naman sya. okay, fine, sasagutin na po. sya pala... ang taong minsan ng naging bahagi ng buhay ko. hindi na ako nakahirit pa. sya naman ang nagsalita. ayoko ng maalala pa ang mga sinabi nya. dahil pag binigyan ko pa sya ulit ng isa pang pagkakataon, baka sa kangkungan na ako pulutin... ang tanging nasabi ko lang ay, "you know what? i'm kinda busy right now. could you just call back say in a few days? sorry pero hindi ko kayang magpa-apekto sa mga personal na pangyayari sa buhay ko ngayon e. marami akong kelangang tapusin. alam mo naman diba? trabaho NA ang priority ko, remember?" wala na syang nagawa. binaba na ang telepono. sabay balik sa mundong ginagalawan ko... wala ng pakialam sa anumang nangyari.

ewan ko ba... sobrang dami na siguro ng taong na-hassle ko kaya eto ang karma ko... yun tipong ang pakiramdam ko ay parang kahit nakatayo lang ako sa isang tabi, e merong kahit isang tao na naha-hassle. ayoko na magisip... nakakapagod. at least ngayon? tapos na. or so i thought...

July 30, 2008
naghahanda na ko pagpasok. ayoko ma-late kasi Day 1 ng FS training. subalit eto na naman sya. ano ba? tantanan naman na nya sana ako diba? hindi ko na sinagot. pamaya-maya pa'y meron na namang mensahe. nakakadurog ng puso kaya dali-dali ko ding dinelete. tama naman na kasi... pagkatapos ng shift, diretso uwi na ako. nagkataong nasa bahay naman tong si bebeh sein. inaya kong manuod ng sine kasi first day ng showing ng pelikula ni sarah (ahihi nakuha pang manuod ng love story). pagtapos ng palabas, uwi na ulit at natulog na. maaga pa ang pasok ko kinabukasan.

July 31, 2008
nag-off na ako ng phone. tama na kasi. nagpa-plano na akong magpalit ng simcard. nagsabi na ko kay baby bear na magpalit ako ng number. at isa si X sa mga rason kung bakit. pina-realize nya sa akin na hindi solusyon sa problema ang pagpapalit ng simcard. iba ang alam nyang rason. oo, isa pa yun pero hindi yun kasali sa usapan ngayon... hehehe next time na lang yun. *wink wink* pag-on ko ng telepono naghintay ako kung merong magte-text. 2 minutes... 5 minutes... wala... hay salamat naman. saka lang ako nakahinga ng maluwag.

August 1, 2008
hindi na ako nag-off ng phone. wala na namang tatawag e. sabi ko nga e, mali na naman ako dun... sya na naman... ang kulit ha? sinabi na ngang tama na e. eeeyyyiiieee... kakulit naman. tinanggal ko yun battery para mag-off. wehehe ang bad ko. kasi naman e... for the last time, tinext ko sya (last na talaga to, promise!) pagkatapos nun? tumigil na din ang pagtawag.

from then on, wala na akong narinig mula sa kanya. bukod sa mga forwarded messages na pinapadala nya more than thrice a day, wala na. buti naman. tumigil na sya. mabuti na din siguro itong nandito ako sa baguio, na sobrang layo sa kanya kesa nandun ako ulit sa manila. at least dito walang lugar na pwedeng makapagpa-alala sa akin ng "good times." buti na lang...

at kung bakit eeyore ang title nitong entry na ito? hehehe ewan ko. hindi ko din alam. pwedeng dahil meron akong stuffed toy na eeyore na lagi kong bitbit these past few days. na kahit saan ako magpunta ay lagi ko syang kasama. at least si eeyore, hindi ako iiwan... pwera na lang kung ma-misplace ko sya. o di kaya'y nakawin ng kung sinumang merong masamang intensyon. wehehe joke lang aticel! :)

No comments: