Wednesday, August 6, 2008

ano'ng meron? part 1...

Photobucketano'ng meron? hindi ko din alam. matagal ng palaisipan sa akin ang mga pangyayaring ito sa buhay ko... sana matulungan nyo akong magisip...

hindi ko sya kilala pero matagal ko ng naririnig ang kanyang pangalan. napagalitan pa ako ng anak ko nung sinabi kong hindi ko kilala ang taong ito. sino ba sya at ano'ng meron sya? sabi ng nakararami, gwapo daw... may dating... mabait... hmm napaisip naman ako dun... sino ba yun?

nagkataon naman na nakilala ko sya nung binalak kong sumali sa mundong ginagalawan ko ngayon... tinangka kong isama sya sa listahan ng mga kaibigan ko sa MSN at sya nama'y nagpa-unlak... *naks* hanep... hehehe mula noo'y nagkakausap na kami. pero hindi ko pa din alam kung anong itsura nya... kinikilig naman itong anak ko kasi nga nalaman nyang nakakausap ko sya... si Nathaniel or Nate Archibald. pangalan pa lang ang gwapo na. hmm ano nga kayang itsura nito? nanumbalik sa alaala ko ang pilot episode ng gossip girl... kamukha nya kaya? hehehe ayun na nga...

Photobucket
hhaaayyy... at dumating ang araw ng paghaharap namin ng pamunuan ng bagong kaharian. kasama ko pa si baby bear nung nagpunta ako... so, sya pala si Nate Archibald. hmm oo nga cute nga sya at mukhang mabait. kilig na kilig naman itong si baby bear nung nakita sya. "mamcy, sya yun! nakita mo?" oo anak, hindi naman ako bulag diba? hehehe akala ko hanggang dun na lang ang magiging "encounter" namin. wala naman kasi akong naramdamang iba kasi alam kong "taken" na sya... ako din naman... hehehe ang hindi ko alam, simula pa lang pala yun.

oo magmula nga noon, lagi na kaming naguusap... hindi nga lang sa personal, laging through MSN. na okay lang naman. malay ko ba kung ano'ng numero ng telepono nya. wala naman kasi akong interes. dumating na lang sa puntong nagpadala sya ng mensahe sa aking telepono na nagsasabing pasensya na kung hindi sya nakapagpadala ng sagot sa aking tanong. nagkasakit daw kasi sya. naawa naman ako. sobrang pagod na siguro nito sa kanyang mga tungkulin kaya nagkasakit. sabi ko naman, ayos lang hindi naman ganun ka-importante yun tanong ko e... in short, naging kaibigan na sya sa paningin at pananaw ko. nagkakabiruan na kami, nag-aasaran gaya ng ginagawa ng magkaibigan. nagkapustahan pa nga. kapag daw pinalad akong mapabilang sa mga susuwertehin, kelangan ko syang ilibre. hhuuwwaatt?!? hehehe hmm sa akin naman ay ayos lang. chosko naman. pera lang yan. *wink* tinanggap ko ang kanyang hamon kasi nga parang nawala naman na ako ng pag-asa na ako'y mapipili pa. napanghinaan na kumbaga. binalik ko sa kanya ang hamon na pano kung ako'y hindi palarin... ang sagot? deadma lang kasi mas malaki naman daw ang nakukuha ko. aba'y lokong bata ito a. tsk tsk tsk hindi naman ata tama yun diba? pero nung huli, tinanggap nya na rin ang hamon.

at dahil nga ako'y pinalad, napaisip akong kelangan kong tuparin ang napagkasunduan. ilang beses lang namin napag-usapan kung paano subalit hindi talaga matuloy-tuloy (kasi naman... senyales na din yan...) minsan (at ito'y natapat na naman sa aking araw ng pahinga... kapag nga naman sinuswerte ka o), nagkaroon ng pagpupulong ang mga kinauukulan kasama ang mga mapalad na mga napili para sa bagong negosyo. hindi ko inaasahang makikita ko sya sa nasabing pulong. simpleng "hi!" lang ang nasabi ko. pamaya-maya pa'y natapos ang pagpupulong. malamang uuwi na ako. heller?!? ano pang gagawin ko dun? minabuti ko munang dumaan sa dati kong mundo at magpakita sa butihin kong kuya. matapos yun, umuwi na din ako. ilang sandali pa'y nakatanggap ako ng mensahe. hmm si Nate... tinatanong kung nasan ako. syempre sinabi kong nakauwi na ako. off ko kasi. wala na akong gagawin dun. madaya daw ako. bakit hindi ko daw sinabi. meron pa daw kasi akong utang sa kanya, sana gumimik na lang daw kami. namula naman ako dun. since kaibigan ko naman na sya, sinabi kong sige pero nasa bahay na ako. kung gusto nya maginuman at magkwentuhan, dito na lang. tapos yun na lang ang libre ko sa kanya. nakauwi na daw sya at nagdahilang hindi nya alam kung san ang bahay ko. malay ko din naman kung san sya nakatira diba? hehehe biro lang, Nate. *wink wink* so ayun na nga... laking gulat ko nung tinanong nya ako kung pano makarating sa aking tahanan (wow! gulat talaga ako nun... promise!). sinabi ko kung pano at sinabihan ko na din syang magpasabi kung malapit na sya. hindi ko na noon maintindihan kung dapat ko bang bigyan ng malisya ang napipinto nyang pagpunta o gaya ng dati, deadma na lang... so ang ginawa ko? deadma na lang... pagdating nya, kwentuhang umaatikabo. walang patid... hanggang sa dalawin na ng antok kaya nagpasya na matulog. pinatulog ko na sya sa silid at naiwan ako sa sala dahil nanunuod pa ako ng paborito kong palabas (hindi gossip girl... hehehe). hindi ko namalayan na ako pala'y nakatulog na... hehehe tapos ginigising na pala nya ako kasi nahiya naman daw syang matulog sa silid magisa. sabi ko ayos lang... no problem. pamaya-maya pa'y umaga na, kung kaya't nagpaalam na sya at umuwi na din. nagpasalamat sya (at syempre ako din) at nangakong magkita na lang sa susunod...
naging madalas ang paguusap namin ni Nate... ng hindi ko napapansing nagiging komportable na ako sa kanya at sa tingin ko, sya din.

(to be continued...)

No comments: