Wednesday, September 23, 2009

for july... wasnt able to post... :(


stressful month july has been... hmm i cannot really say how upsetting and disappointing the things happening for the past month... people have been moving back and forth, north to south. a lot of processes have been implemented, policies that needed to be followed and procedures that have to be cascaded asap... oh well, as if i could do anything about it... might as well just follow...

but the real dilemma here is that not everyone seems to follow such procedures... to the point that it looks like i'm the only one following these... and funny thing is i was getting all the hit!!! what the guacamole!!!

since this has been the case, i still didn't see this as something negative... i'm kinda wondering why, too... maybe because i already got used to the idea that i always get blamed for following something that is being implemented... i seem to wonder as well how come other people could get away from all the negative things they are doing???

i just hope this would end soon... i mean real soon... :(

Tuesday, September 22, 2009

it's been a while...


andaming nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan... nakalimutan ko ng magsulat ulit. ewan ko ba bakit. hindi naman ako ganito dati. well, mula ng sinimulan kong magsulat sinubukan kong siguraduhing kahit minsan sa isang linggo kelangan meron akong nailalathala... pero ngayon, magsusulat na ko ulit. :)

(pause... yung nilalabhan ko pala... nakalimutan kong isampay... saglit lang.)

ayan... tapos na... san na nga ako?
ayun na nga... madaming nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan... gusto kong isa-isahin kasi kasama ang mga ito sa kasalukuyang bumabagabag sa akin ngayon... marahil ito na rin ang dahilan kung bakit naisipan ko biglang magsulat ulit...

san nga ba ako magsisimula? :(

cge mag-backtrack tayo... simulan natin nung february...

February 2009
sobrang lungkot ko nung nalaman kong kelangan umalis at lumipat ng OMG ang isang kaibigan. sa dami ng napagdaanan namin bilang magkaibigan, na hindi ko na mabilang sa dami, hindi ko matanggap na iiwanan niya na ako sa kadahilanang hindi na dapat pang ilathala... akala ko nung una, ayos lang. mas mapapabuti sya dun, naisip ko. pero habang papalapit ang nakatakdang araw (mind you, ilang days lang ang notification. my gosh!) mas lalo akong nahihirapang tanggapin ang katotohanan... kahit anong isipin kong justification, ewan ko nagiging selfish na lang siguro talaga ako... kahit ang katuwang nya sa buhay natanggap na ang realidad na ito, pero parang bakit ako yun sobrang apektado?
dumating ang araw na kinakatakutan ko... ang kanyang pag-alis... kelangan na nyang magsimula sa ibang mundo na well halos kaparehas lang naman din ng mundong ginagalawan ko ngayon pero diba nga, hindi ko nga matanggap??? hindi ako nagpakita sa kanya na sobrang nasaktan ako sa kanyang napipintong pag-alis...
ayan na nga... umalis na sya...

sa mga araw na hindi ko sya nakikita isa na lang talaga ang iniisip ko... magkikita kami ulit... hindi man ngayon or bukas basta alam kong magkikita kami ulit. pinapadalhan ko sya ng mensahe halos araw-araw para kunwari nandito lang din sya. kausap sa msn, tinatawagan... bilib ako sa katuwang nya sa buhay... malungkot sya pero hindi obvious... naging confidante namin ang isa't isa... alam kong dati'y malaki ang tampo nito sa akin, pero dahil meron na kaming common denominator (si Purple Butterfly) e naging close kami... nagsasabihan kami kung gaano namin kamiss si PB at sana nasa mabuting kalagayan sya. malimit kaming magkwentuhan tungkol sa kanya... dahil dito, nagsumikap akong ipakita sa lahat ng tao na kaya kong magbago kasi to start with e sadyang napakatigas ng ulo ko... pina-realize sa akin ng katuwang ni PB na kelangan ko magbago para sa ikabubuti ko din. sinangguni ko si PB tungkol dito... all-out support naman ang lola ko!!! maganda daw simulain un at natututwa sya na sa wakas e nagkaroon ako ng realisasyong ganito... hehehe bumait ako, in short! :)

to be continued...

Monday, January 26, 2009

magulo... magulong-magulo...


sa hindi inaasahang pagkakataon...
meron akong nakilala na isang tao na akala ko wala lang... (sounds familiar?!?) hmm nung mga panahon na yun, sila pa ng tinuring ko ng kaibigan... ang weird pa kasi nakita nila akong naghihintay ng masasakyan tapos nagmagandang loob naman sila at isinabay nila ako patungo sa aming paroroonan...
akala ko yun na ang last encounter ko sa kanya.... well, hindi pala...
sumunod na nagkita kami, malamang kasama nya pa rin ang aking butihing kaibigan, tapos nagkita kami para magtangkang gumawa ng kabutihan... hehehe astig noh?
teka lang... masyado ng madaming detalye... tama na nga...
makalipas ang ilan pang mga buwan, nabalitaan ko na lang na wala na pala sila...pero heller naman?!? kebs naman diba e nagkikita lang naman kami tuwing makalipas ang ilang buwan... hahaha para sa akin, wala lang to... paghanga lang... kasi masyado pa akong involved kay Nate nuon... na parang wala ng bukas kung magusap kami. oh well, nuon yun... iba na ngayon.
nitong mga nakaraang araw, andaming mga nangyari... sobrang bilis... as in sobra...
hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko... sobrang naguguluhan na ako at apektado na ang buhay ko.. ng sobra...

Wednesday, January 14, 2009

kapag nga naman sinuswerte ka...


linggo ng umaga...
pawang nagkakasayahan ang mga tao dahil wala ang mga diyos at diyosa sa paligid... sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nagpakita ang pinakamataas sa lahat ng mga diyos... wika ng iba'y ayos lang, aalis din yan. hehehe kasi naman hindi naman kasi tama na nandun sya. dahil ba makikita ang aking presensya at wala syang tiwala sa mga taong naiiwan sa kanyang kaharian?!? pweh!!! pwede ba? kapal din e. wala naman ibang gustong pagmagalingan itong isang to kung hindi ang mga tagapagsuri nya. na mukha namang nauuto nya din. ewan ko. wala na lang talaga ata akong kumpyansa sa kahit kanino sa kanila.
mabalik na lang tayo sa matinong usapan... so, ayun na nga... at isa pang hindi inaasahang pangyayari, kinakailangan kong bumalik sa aking tunay na kaharian dahil hindi ko pala nadala ang isang bagay na hinding hindi ko pwede makalimutan... sa mga tao sa aking mundo, alam kong makaka-relate na kayo... sa madaling sabi, kating-kati na akong umuwi pero hindi pa pwede dahil ang mga diyos at hari ayy nandito pa din... kainis talaga... peste!!!
ano pa ba? hmm...
makalipas pa ang ilang sandali, nautusan ang isang bata na bumili sa palengke ng pwedeng makain para sa araw na iyon... hmm ang siste lang, kinakailangan nyang ipasok ang nasabing mga bagay sa loob ng "kaharian" ngunit... subalit.. datapwat... sa hindi inaasahang pagkakataon... siya ay nahuli ng hari at ng kanyang alagad. "to the rescue" naman ang chicka ko sa kadahilanang aking inako ang responsibilidad na sa akin ang mga nasabing bagay. ewan ko ba kung bakit ba naman kasi kinausap ko pa.
hmm... masyado ng nabibigyang pansin ang walang kwentang nilalang na ito... tama na nga...

Monday, January 12, 2009

the "killer" moms...


kung bakit killer moms ang title ng entry na ito ay sa kadahilanang meron akong mga kasama sa mundong ginagalawan ko ngayon na lagi na lang dinadahilan ang kanilang mga supling na merong mga karamdaman... wala naman akong hinanakit o kung ano pa man sa kanila. kung tutuusin ay mejo nakasalamuha ko pa ung isa sa kanila (dahil pareho kami ng pinanggalingang mga paaralan). ang hindi ko lang maubos maisip ay kung bakit kapag sila ay nagbigay ng rason sa hindi nila pagsipot sa kanilang responsibilidad, ay kanilang sinasangkalan ang kanilang mga supling. kawawang mga bata... kulang na lang ay patayin sila ng mga so-called "nanay" nila. bits of details follows...

mapunta muna tayo kay Killer Mom #1... hindi ko kilala kung sino sya at wala naman akong plano na kaibiganin sya dahil, sabi ko nga sa aking nakaraang pahayag, madami na kong kaibigan... in short, hindi sya relevant sa buhay ko, so why bother?!? basta ang alam ko lang ang pandamdam na karaniwan sa nakararami ay hindi pangkaraniwan sa kanya... sa madaling sabi... EXTRAORDINARY SENSE ito... weheheh anyway, ang sumusunod na pangyayari ay halaw sa tunay na buhay...

nagpasintabi itong mejo mahuhuli dahil merong karamdaman ang anak... bumubulwak ng mga nakain ang kawawang paslit - un ang binigay na dahilan... masasabing nakakaawa naman ang musmos na ito kaya nagpasya ang Kanyang Kamahalan na payagang mahuli ang ina... sa hindi inaasahang pagkakataon, meron isang di pa nakikilalang nilalang na nakakita kay KM#1 sa isang lugar na kung saan ang ginagawa ng mga sangkatauhan ay ang magliwaliw, maghuntahan at magpakalango sa alak... At andun sya, sumasabay sa saliw ng tugtugin ng lugar na ito... walang kamalay-malay na meron palang nakakita sa kanya... ang malupit pa dito, nang mapagdesisyunan nya na magpakita na sa aming mundo (na ito ay makalipas ang mahigit anim na oras), nakuha nya pang mag-drama na hindi makatulog ng mahimbing ang kaawa-awang paslit kaya nuon lang sya nakarating... grabe!!! ang kapal talaga diba? nakuha nyang gamitin ang kanyang minamahal na anak para lamang pagtakpan ang kanyang mga nagawa? as usual naman, since hindi ko naman sya kaibigan, hinayaan ko na ang pangyayari... kahit nagsumbong na ang sinasabing hindi pa nakilalang nilalang... wehehe i have ways, syempre. *wink* matapos ang pangyayaring ito, akala ko at ng nakakarami na hindi na ito muling pang mauulit... na malamang alam nyo ng.. OO NA!! mali na naman... wahaha palpak kasi... wehehe heyniweys, ayun na nga at muli pang naulit ng makailang beses pa... akin pang napagtanto, mula sa isang napakabutihing impormante, na ni hindi man lang naitala na ang KM#1 ay nahuli ng pagpasok... bagkus ay parang hindi nangyari ang mga naganap... hhhuuuuwwwaaaattt?!?! grabe naman ito... kaya ang ating butihing impormante ay minabuting kumunsulta sa kanyang kamahalan tungkol sa isyung nabanggit. ang mga sumunod na pangyayari ay... sorry... wala na kong alam... wahaha kasi naman pwede ko ng hulaan kung anong reaksyon ang nakuha nya mula sa taong ito (kung tao man syang maituturing).

halina't bisitahin naman natin ang Killer Mom#2... sya ay isang minsan ng naihalintuad na isang modelong empleyado... dinaig pa ang history ko... kaso ang kaibahan lang namin, ako ang dahilan ko e at least sarili ko kasi wala naman akong supling na pwedeng isangkalan diba? well, dito naman sa mundong ginagalawan namin, mula ng sya ay aming nakahalubilo, wala pa naman napapabalitang ganitong mga kaganapan (at least, i'm speaking for myself). ang mga sumusunod ay hango sa tunay na buhay yata dahil ang mga ito ay pawang mga salita ng mga taong nakapaligid sa kanya nung sya ay nasa dating nya pang mundo.

makailang ulit daw itong nahuli sa kanyang responsibilidad at ang dahilan ay ang kanyang supling. konting background... ang kanya kasing supling ay hindi pangkaraniwan... kung anong niliit ni KM#2, ay sya namang nilaki ng kanyang mahal na supling. matatawag na espesyal ang batang paslit, na pwede namang maikumpara sa isang anghel - actually more of a cherub (if you know what i mean). so malamang alam nyo na ang kabuuan ng istorya? heto pa ang isa pang magandang halimbawa... isang araw, nasumpungang hindi magpakita ng KM#2 sa kanyang obligasyon. ngunit ng matapos ang araw, hindi sinasadyang nakita sya sa isang pagtitipon na kung saan panauhing pandangal ang kanyang amo. sino ba namang tao na nasa matinong pagiisip ang hindi magngingitngit sa gigil kung nagkagayun na nga? nagkaron tuloy bigla ng paghaharap ngunit abot hanggang langit naman ata ang pagpapaliwanag na ginawa ni KM#2. hindi ko na alam ang mga sumunod pang mga naganap. basta ang mahalaga lang sa akin, naisiwalat ko ang mga ito...

nakakatawang isipin na merong mga taong ganito. na matapos bigyan ng Poong Maykapal ng mga naggagandahang mga supling, ay ganito pa ang kaya nilang gawin? hindi ko maubos maisip na kung bakit naman sa dinami dami ng gustong magkaron at nagdadasal magkaron ng mga anghel, ay sila pa na walang kaluluwa ang nabiyayaan... sabi na nga ba e... kung minsan talaga, sadyang palabiro lang tong si Lord. hehehe okay lang yun, Lord. alam ko naman na meron kang reason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito e... para sa aming mga tao, mahirap siguro intindihin, pero alam ko naman na dadating ang araw na maiintindihan din namin ito.

sana lang hindi sila naniniwala sa karma... sana hindi ang mga batang ito ang magdala ng karma ng kanilang mga butihing magulang...

Sunday, January 11, 2009

weird...

i woke up with messages coming from friends asking, "are you alright?", "are you still sick?", etc... replies were sent... then off to sleep again...
for some odd reason, again i woke up but was itching to write something about, i don't know what... hence, this entry... while i'm doing this,  i'm also searching for another skin that i could exploit. kidding! but i wanted it as plain as my previous skin (thanks dancing sheep... huggsss) oh well... i guess, i'll just go back and browse for more... check back in a few... hours... maybe days... hehehe ;)

Saturday, January 10, 2009

o... ikaw naman...

ang cute nya noh? wahaha joke lang un... gullible ka naman... anyways, hindi yan ang topic ko ngayon... well, kinda related lang din sa kanya kasi kamukha nya ung papagusapan natin ngayon... wahaha itago na lang natin sya sa pangalang "bush baby..." ganda ng pangalan noh? syempre, para hindi halatang meron akong HD seio... as in hampas dagok... pwede ding hidden diri... wahaha
sa ganito nagsimula ang encounter namin...
wala naman kasi akong plano na makipagkaibigan kahit kanino kasi naman madami na akong kaibigan. heller naman?!? almost 8 years in the making (back then) in the industry, excluding those friends i had from school - nkp, elementary, secondary hanggang college... so malamang naman diba? haynaku talaga... anyway ulit... nagkasundo naman kasi kami agad ni PB (Purple Butterfly, see previous entries) dahil na din siguro sa meron kaming parehas na pinanggalingan. sobrang proud ako nun noh? tapos sabay pati tong si Bob Wayne na tga-OMG ay nalaman din naming kasamahan pala namin ng wala kaming kamalay-malay. in short, nagkaron ako ng mga kaibigan ng hindi sinasadya... ewan ko ba kung anong magneto meron ako kung bakit nilalapitan ako ng mga tao para maging kaibigan nila. oo na, mayabang na nga kung sa mayabang... pero sa tingin ko kaya ganun kasi hindi ko kayang magpanggap e. yun tipong hindi ko kayang papaniwalain ang mga tao sa isang "ako" na hindi naman talaga or sobrang layo sa tunay na ako... uy grabe noh? cge nga pano mo gagawin un? dapat consistent ka... hindi mo dapat makakalimutan ang mga bagay na nabitawan mo na kasi kung nagkaganun... patay na!!! buko juice na ang labas mo nyan... pwede ding buko salad...
kaya.. ayun na nga... nagulat na lang ako ng isang araw e kasalukuyan akong nananahimik sa isang tabi ng biglang... (edited version... malamang?!? wala naman akong recorder sa utak ko diba? weheheh)
BushBaby (BB): uy, blogger... busy ka ba?
Blogger: hindi naman, bakit?
BB: wala lang... wala na kasi akong ginagawa e.
Blogger: o e bakit hindi ka pa umuwi?
BB: wala naman... naguguluhan kasi ako e.
Blogger: huh? (weh? ano? teka lang...) what do you mean?
BB: kasi... hmm pano ko ba iexplain? hirap kasi ng sitwasyon ko e.
Blogger: (naku wait lang... hindi ko ata kaya to a... magconfide ka ba?) ang alin ba? (kunwari naguguluhan)
BB: ganito kasi un... pano kung halimbawa, meron kang isang tao na sobrang gusto mo. tapos gusto ka din naman. kaso parang hindi pwede kasi meron syang nililigawan. tapos ako naman meron ng someone else. pero dahil sa magkakaibigan kaming lahat, parang hindi kami pwede maging masaya.
Blogger: (ang gulo h? eto hindi na kunwari to.) teka lang... hindi ko ma-gets... anong ibig mo bang sabihin? (with matching iling pa...)
BB: (at nag-demo na ito...) ganito... itong left, si A. itong sa right, si B... tapos alam namin pareho ung tungkol sa mga ka-relasyon namin, well in his case ung gusto nyang makarelasyon. tska in the first place, alam ko naman kasing hindi din tama na ituloy pa namin ang ginagawa namin kasi alam kong meron kaming masasaktan. madami kaming masasaktan. meron lang isang beses, kelangan ko umuwi noon sa lupang sinilangan ko. pero dahil nagrequest tong si B, hindi na ko umuwi. bagkus, sumama ako sa kanya. we had a great time, that we were already wishing it won't end. yet, then again, it has to come to an end. we went back to where we came from, then parted ways with heavy hearts.
Blogger: (in between...) wow... ka-sweet naman... (inangkupu... nagconfide nga! BFFs na ba kami?! pano nga nagsimula ulit to? refresh my memory)
BB: yeah i know... sabi ko nga if we could not be happy rin lang naman na i'm still here, e di aalis na lang ako.
Blogger: magreresign ka? (may halong gulat)
BB: oo... para din matapos na to...
Blogger: hmm (hindi alam ang sasabihin... actually, NR - no reaction) hmm (ulit)... wag naman ganun...
BB: cge, bukas ulit... uwi na ko...
(at nakalimutan ko na ang iba pang nangyari... kasi naman diba? sino bang hindi magulat dun?)
nung una nagtataka pa ko... nagiisip kung sino bang tinutukoy nito... in denial pa na ang B na tinutukoy ni BB ay walang iba kung hindi ang Kanyang Kamahalan... kasi napaniwala akong matinong tao tong si KK pagdating sa ganung mga bagay. naisip ko pang malabong sya un. sabi ko nga, impormasyon ang lumalapit sa akin diba? isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, bigla na lang meron nakapagsabi sa amin (mga kaibigan ko) na meron ngang namamagitan sa kanila. huwwaaattt??? wehehe as if meron akong pakialam. wahaha nasabihan pa nga akong, antanga mo naman... kinausap ka nya diba? hindi mo man lang na-figure out na si B ay si you-know-who? nagsimula akong magtagpi tagpi ng mga pangyayari at napagtantong - oo nga naman... sh*yet!!!wahaha pero naisip ko... deadma naman dapat diba? kasi walang kinalaman sa trabaho e. stay propeysyunal... kaso... ang mali... sila ang hindi naging propeysyunal. makikitang naglalandian sa kung san man o di kaya'y laging nakabuntot ang BB kay KK...

eto na nga... nagsimula na kong mandiri sa mga nangyayari. parang hindi ko ma-take na, nakamanpowte naman... reality check po... opisina po ito at hindi motel room... kung gusto nyong maganap ang kung anuman, e uwi na lang kayo. kasi, sa aminin nyo man o hindi... apektado ang mga taong nakapaligid sa inyo. na mismong mga artista (sina Bob at Baller Gurl) pa ang nakapansin kung gano ka-obssessed tong si BB kay KK. grabe nakakahiya!!!

haaayyy... actually madami pang nangyari... pero hirap na ding magbacktrack e... naku naman, puputok naman lahat ng ugat ko kung isipin ko pa lahat un diba? pag naalala ko na lang, baka sakaling isulat ko pa...

basta ung pinaka-recent na pangyayari lang na alam ko e parang nangyari lang about a month ago... ibang level ang kakapalan ng mukha lang naman. pero syempre wala pa din dadaig sa level ng mag-asawang condura diba? anyway, as i was saying... nagbakasyon ako sa pinakapaborito kong hotel sa balat ng lupa (sa may bonifacio lang to... *wink*) tapos ewan ko ba, sa sobrang pagka-paborito ng mga tao sa akin, walang naniwala na swak naman un rason kung bakit ako naka-check in. heyniywey... biglang meron kumatok at nagulat ako sa aking mga bisita ng gabing iyon... ang KK at BB with matching chaperone na alagad ng siyensya.
ayos pa sa bungad... imbes na kamusta ka na, anong sabi ng doctor, o di kaya naman ay kelan ka daw lalabas... ang nasabi lang nya ay, pwede bang maki-rest? at ayun na nga... dinaig pa ang pier sa maynila sa dami ng nagtatawag na mga paalis na barko... at ang malupit naman dito kayBB... caress to the max!!! wahaha kakadiri... hindi na nahiya... ako pa yung nahiya sa kanila. parang gusto kong hiritan ng... hmm... gusto nyo bang lumabas muna ko? aahhhmmmm tulak ko lang palabas tong lalagyan ko ng tubig an dumadaloy sa dugo ko... para naman makapag-moments kayo... haynaku... tae talaga...

ibang klase talaga... andami na din naman naming encounters pero ewan ko lang kung kayanin ko pang isulat un lahat kasi parang nakakawalang gana na magsulat kasi walang kwenta naman ung mga involved. wahaha *ngayon ka pa nawalan ng gana... anhaba na kaya ng entry na to ahihihi*

on another note though, ang rason naman talaga ng pagsusulat ko tungkol sa taong ito ay dahil sa aking new-found friend... si bodacious chick. hindi ko din naman sya masisisi kung mainis sya kay BB (actually, hindi lang sya un inis kay BB - madami sila/kami)... hindi ko alam kung pano nagsimula ang kanilang hindi pagkakaunawaan, pero isa lang po ang masasabi ko... Bodacious Chick - bukas ang blog ko para sa panig mo (wahahaha parang "the Buzz" lang a.)