Tuesday, September 22, 2009

it's been a while...


andaming nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan... nakalimutan ko ng magsulat ulit. ewan ko ba bakit. hindi naman ako ganito dati. well, mula ng sinimulan kong magsulat sinubukan kong siguraduhing kahit minsan sa isang linggo kelangan meron akong nailalathala... pero ngayon, magsusulat na ko ulit. :)

(pause... yung nilalabhan ko pala... nakalimutan kong isampay... saglit lang.)

ayan... tapos na... san na nga ako?
ayun na nga... madaming nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan... gusto kong isa-isahin kasi kasama ang mga ito sa kasalukuyang bumabagabag sa akin ngayon... marahil ito na rin ang dahilan kung bakit naisipan ko biglang magsulat ulit...

san nga ba ako magsisimula? :(

cge mag-backtrack tayo... simulan natin nung february...

February 2009
sobrang lungkot ko nung nalaman kong kelangan umalis at lumipat ng OMG ang isang kaibigan. sa dami ng napagdaanan namin bilang magkaibigan, na hindi ko na mabilang sa dami, hindi ko matanggap na iiwanan niya na ako sa kadahilanang hindi na dapat pang ilathala... akala ko nung una, ayos lang. mas mapapabuti sya dun, naisip ko. pero habang papalapit ang nakatakdang araw (mind you, ilang days lang ang notification. my gosh!) mas lalo akong nahihirapang tanggapin ang katotohanan... kahit anong isipin kong justification, ewan ko nagiging selfish na lang siguro talaga ako... kahit ang katuwang nya sa buhay natanggap na ang realidad na ito, pero parang bakit ako yun sobrang apektado?
dumating ang araw na kinakatakutan ko... ang kanyang pag-alis... kelangan na nyang magsimula sa ibang mundo na well halos kaparehas lang naman din ng mundong ginagalawan ko ngayon pero diba nga, hindi ko nga matanggap??? hindi ako nagpakita sa kanya na sobrang nasaktan ako sa kanyang napipintong pag-alis...
ayan na nga... umalis na sya...

sa mga araw na hindi ko sya nakikita isa na lang talaga ang iniisip ko... magkikita kami ulit... hindi man ngayon or bukas basta alam kong magkikita kami ulit. pinapadalhan ko sya ng mensahe halos araw-araw para kunwari nandito lang din sya. kausap sa msn, tinatawagan... bilib ako sa katuwang nya sa buhay... malungkot sya pero hindi obvious... naging confidante namin ang isa't isa... alam kong dati'y malaki ang tampo nito sa akin, pero dahil meron na kaming common denominator (si Purple Butterfly) e naging close kami... nagsasabihan kami kung gaano namin kamiss si PB at sana nasa mabuting kalagayan sya. malimit kaming magkwentuhan tungkol sa kanya... dahil dito, nagsumikap akong ipakita sa lahat ng tao na kaya kong magbago kasi to start with e sadyang napakatigas ng ulo ko... pina-realize sa akin ng katuwang ni PB na kelangan ko magbago para sa ikabubuti ko din. sinangguni ko si PB tungkol dito... all-out support naman ang lola ko!!! maganda daw simulain un at natututwa sya na sa wakas e nagkaroon ako ng realisasyong ganito... hehehe bumait ako, in short! :)

to be continued...

No comments: