Wednesday, January 14, 2009

kapag nga naman sinuswerte ka...


linggo ng umaga...
pawang nagkakasayahan ang mga tao dahil wala ang mga diyos at diyosa sa paligid... sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nagpakita ang pinakamataas sa lahat ng mga diyos... wika ng iba'y ayos lang, aalis din yan. hehehe kasi naman hindi naman kasi tama na nandun sya. dahil ba makikita ang aking presensya at wala syang tiwala sa mga taong naiiwan sa kanyang kaharian?!? pweh!!! pwede ba? kapal din e. wala naman ibang gustong pagmagalingan itong isang to kung hindi ang mga tagapagsuri nya. na mukha namang nauuto nya din. ewan ko. wala na lang talaga ata akong kumpyansa sa kahit kanino sa kanila.
mabalik na lang tayo sa matinong usapan... so, ayun na nga... at isa pang hindi inaasahang pangyayari, kinakailangan kong bumalik sa aking tunay na kaharian dahil hindi ko pala nadala ang isang bagay na hinding hindi ko pwede makalimutan... sa mga tao sa aking mundo, alam kong makaka-relate na kayo... sa madaling sabi, kating-kati na akong umuwi pero hindi pa pwede dahil ang mga diyos at hari ayy nandito pa din... kainis talaga... peste!!!
ano pa ba? hmm...
makalipas pa ang ilang sandali, nautusan ang isang bata na bumili sa palengke ng pwedeng makain para sa araw na iyon... hmm ang siste lang, kinakailangan nyang ipasok ang nasabing mga bagay sa loob ng "kaharian" ngunit... subalit.. datapwat... sa hindi inaasahang pagkakataon... siya ay nahuli ng hari at ng kanyang alagad. "to the rescue" naman ang chicka ko sa kadahilanang aking inako ang responsibilidad na sa akin ang mga nasabing bagay. ewan ko ba kung bakit ba naman kasi kinausap ko pa.
hmm... masyado ng nabibigyang pansin ang walang kwentang nilalang na ito... tama na nga...

No comments: