Wednesday, October 29, 2008

bakit ba in denial ka?

*sigh*
inuman na 'to...
ako man ay in denial din... na parang walang nangyari... parang... wala lang...
hhaaayyyy...

antagal mong nawala... antagal kitang hindi nakausap... kaya balik ako sa dati...
naghandle ng OJT ng bagong wave... nagagalit dahil hindi nakakasunod ang mga agents... sumisigaw dahil nag-overbreak sila... gumagawa ng reports... balik talaga sa dati... para makalimot lang...

one fine day... nasa training ako ng bagong mga agents (wave 4)... sinabihan ako ni Remy (rat from Ratatouille) na kailangan magpunta sa isang lugar para gawin ang isang bagay... kinailangan magpunta sa kanilang parte ng mundo para sa kahilingan na kelangan gawin ng nakararami... sinamahan ko ang mga bata... habang sinsagutan nila ang some sort of test nila, nabanggit ko kay Antique Spectacles na merong naghahanap kay Nate Archibald. Sumagot siya, sabay tawa, "wala pa siya... mamaya pa malamang dadating yun. Panghapon kasi siya e. Malamang kasama nya si Blair at Jenny ngayon..." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko... matutuwa ba ako? maiinis? o malulungkot? ewan ko... nalilito pa ako... deadma na lang...

hayun na nga... pumasok na si Nate... nagonline ako habang nagpa-practice ang mga bata... hindi ko akalaing magpapadala ito ng mensahe gamit ang MSN... ang mga sumusunod ay ang pag-uusap na naganap (edited 'to, syempre)...

Nate: ma'am? (term of endearment namin ang tinype nya... syempre hindi pwede dito...) musta ka na?
Blogger: okay naman. mejo masama lang ang loob pero okay naman, just the same. ikaw?
Nate: eto... off ko pero nakikigulo lang dito. hehehe
Blogger: a ok... so... ano'ng balita seio?
Nate: wala naman... kwento ka naman...
Blogger: meron pala akong trainee na nagkaka-crush seio... uuuyyyyy... hehehe
Nate: a talaga? hehehe *blush*
Blogger: oo... tinanong pa nga namin si Antique Spectacles kanina e... sabi nya kasama mo nga daw sila Blair... (ouch...)
Nate: hehehe sana naman hindi na bading diba? hehehe
Blogger: hindi noh? babae to. *wink wink*
Nate: talaga? ikaw huh? binubugaw mo na ko...
Blogger: (ano daw?) huh? san galing un?
Nate: wala lang...
Blogger: e kasi naman diba, ayaw mo sa akin? kaya ibubugaw na lang kita. (ouch ulit...)
Nate: hala... hindi a... ikaw nga gusto ko e...
Blogger: (huy ano ba? tama naman na... super nahu-hurt na naman ako...) ganun? sige ka... pag ako naniwala... baka magsisi ka...
Nate: *blush*
Blogger: (hindi ko na kaya... waaahhhh)

my gosh... my gosh.. parang walang nangyari... bakit kasi ganun? mas lalo tuloy akong na-confuse... napapagisip na naman ako... sana tama na diba? tama na...

Saturday, October 25, 2008

what has the world come into...

sobrang galit na ang namumuo sa loob ko. hindi ko na alam kung tama pa ngang ganito ang maramdaman ko toward work. bakit ba kasi ganito?

sabi ng his excellency, "follow the process." e bakit parang kahit hindi sumunod sa proseso ang iba (lalo na yung mga tuta nya) e okay lang? bakti lagi na lang kami yung nakikita? konting kibo lang, nasisita na agad... parang pakiramdam mo tuloy wala ka nang ginawang tama... ambobo mo, walang pakialam sa mundo, sa trabaho... ewan ko ba... kelan ka kaya makakarma? kelan kaya SILA makakarma?

sana soon...

sana...

Friday, October 24, 2008

we are... Wave One point Two


grabe... sorry naman kung hindi ko naa-update ito.
sensya na po... busy kasi... but i guess, you'd be reading more in the coming days... anyways...

i'm so damn proud of this shirt... design was made by a good friend of mine. kabilib ang talento ng taong ito. ibang level. hehehe pro bono pa... ganun sya kalupit... dami pa syang nagawa... post ko sa mga susunod na entries ung mga ibang gawa nya.... ;p

anyways, that's one of the reason why i am proud of this shirt. the main reason being the people wearing this shirt... WAVE 1.2...
they have made me feel that i could be someone i never thought i could be - A trainer - before the training started, i thought hindi na matutupad ang pangarap na ito (see previous entries). grabe ang pinagdaanan ng wave na ito. akala ko hindi namin kakayanin... pero we have proven all of them wrong... pinag-extend sila ng FS training kasi daw mga walang call center experience... kesyo hindi ganun kagaling mag-english, walang background sa industry at kung anu-ano pang kachurvahan...
sinimulan namin ni purple butterfly ang paghubog sa kanila. siniguradong lahat ng bagay tungkol sa aming itinuturo ay naiintindihan nila... minsan meron bumagsak, pasado, nag-retake... pero ang ending?!? pumasa ang lahat ng mataas pa sa inaasahan... galing noh? at dahil nga dyan, binigyan ko sila ng regalo... not much but i know they have appreciated it. medyo nagkaroon pa ng konting tampuhan kasi wala para sa kabilang klase. pero dahil nga mabait ang lahat, naintindihan naman nila. *sweet nila noh?* hindi talaga para magkainggitan... hehehe
antagal pa na panahon ang hinintay namin bago pa namin nakuha ang tshirt na ito... issues left and right pero nakuha din naman namin. at ang maganda pa yan? we wore this shirt with our heads up high during Wave One's Graduation. merong mga taong naiinggit (oh well, lagi naman... wehehe) na kesyo bakit wla daw sila nung shirt... e ganun talaga... hehehe kung selfish ka? mas madamot ako... hehehe

antok na ko... kwento ko na lang in full detail next time...

Monday, September 15, 2008

ayaw ko na...

minsan na kong umiyak... tama na yun...alam kong hindi tama... kelangan ko ng tigilan. starting to feel awkward... dahil hindi na talaga tama... i need to move on...

ang hindi ko lang alam ay kung pano... pano ko sisimulang kalimutan itong nararamdaman ko? pano nga ba?

at dahil dyan... ang song na ito ay sa aking pananaw ay pawang naaangkop... tsk tsk tsk...

i miss you so much...
I never asked for this feeling
I never thought I would fall
I never knew how I felt
Till the day you were gone
I was lost
I never asked for red roses
I wasn’t looking for love
Somehow I let my emotions take hold
And guess what all at once
I’m in love

Chorus
Oh I miss you so much
I long for your love
It’s scares me
Cuz my heart gets so weak
That I can’t even breathe
How can you take things so easily
Baby why aren’t you missing me

Why did I act like you mattered
It was silly of me to believe
That if I just opened my heart
Things would come naturally
Jokes on me yeah
I did not ask for love letters
So why did you give them to me
How could I let your intentions
Get hold over me
So in love
So naive oh baby

Chorus

And oh how I hate what you have done
Made me fall so deep in love
Got no cure
You’re the only one I want
That I love oh baby

Chorus

Baby why aren’t you missing me
Baby why aren’t you missing me

Thursday, August 7, 2008

nate... nate... nate...

Photobucketayan... pwede na natin balikan si Nate... hehehe

ayun na nga... close na kami. magforward sya ng message, then i'd do the same. funny, kasi parang hindi pa namin napagusapan ang tungkol sa mga karelasyon namin. lagi kaming nagtatawanan, nagiinisan, ganun... ang minsang pagtungo nya sa aking kaharian ay muli pang naulit... hindi lang minsan, kung hindi maraming beses pa... hhaayyyy. meron pang mga sandali na pareho lang kaming tahimik tapos out of wala lang, tatawa na kami. hehehe sobrang naging komportable na ata kami sa isa't isa na parang lahat ay kaya na naming sabihin sa isa't isa. mula sa mga hassle ng mga tao sa paligid namin hanggang sa ilang mga paksa na meron kinalaman sa mga sarili naming mundo... umabot pa sa puntong para na kaming merong sariling lengguwahe... napaguusapan na ang lahat... maliban lang sa lovelife.

isang araw, napadaan sya bago sya pumunta sa kanyang mundo... nahiga lang at nagbabalak sanang matulog... ang ending?!? hindi din nakatulog. nagtatawanan lang... nagbibiruan... hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon, umabot ang paksa sa aking karelasyon.

Nate: musta na kayo ng boyfriend mo?
Blogger: (nagulat) hmm okay naman... medyo busy kasi kaya hindi masyadong naguusap.
Nate: naguusap naman siguro kayo diba?
Blogger: (may halong pagtataka) oo naman. mejo hindi lang ngayon kasi nga busy. bakit mo naitanong?
Nate: (nangingiti) wala naman... text mo kaya sya ngayon.
Blogger: (meron ng pagdududa) hmm bakit? ikaw? gusto mo sya itext?
Nate: nyek! bakit ako? e hindi naman ako yun girlfriend. ikaw na.
Blogger: (kinuha ang telepono at pinakita ang sinusulat) o ayan na huh? tinext ko na... ang cold noh?
Nate: bakit kasi ganyan? dapat sweet diba?
Blogger: oo... kaso hindi naman kasi sya nagmama-sweet e. kaya ganun na lang din ako.
(katahimikan...)
Blogger: e kayo ni Blair? musta na kayo?
Nate: okay naman. medyo hindi lang nagkikita kasi hindi kami masyadong nagkikita. busy din kasi. pero malamang bukas magkita kami. pareho naman kaming walang gagawin e. bakit mo naitanong?
Blogger: wala naman.
(katahimikan ulit...)

hindi ko maintindihan... meron bang namamagitan sa amin at kung bakit ganun na lang ang mga kinikilos namin? nagkaron pa ng isang pagkakataon na nagising na lang akong nakatingin lang sya sa akin at pinapagmasdan na pala nya ako matulog. nakaka-conscious huh? naghilik ba ako? wahaha nakakahiya...

sa akin siguro meron... ewan ko lang sa kanya...

sana lang... sana lang talaga...

Photobucket timeout muna si Nate huh?!? wehehe

nagsisimula na ang training... yehey!!! super excited na ko magturo at magbahagi ng aking nalalaman sa mga bagong sanib sa pederasyon. habang naiisip kong papalapit na ng papalapit ang araw na ito, mas lalo akong nagiging excited... sa lunes, sisimulan na namin ito... kaya lang, nagka-problema na lubhang ikinalulungkot ko ngayon.

minsan ng nabanggit na isa ako sa mga gusto nilang magbahagi ng kaalaman sa mga bagong sanib sa aming pwersa na labis kong ikinagalak. kahit hindi nila napansin na ako'y nagpaka-bihasa nung ako'y pinadala nila sa lupain ni Samuel, ayos lang yun sa akin. ang mahalaga't importante ay marami akong natutunan at kahit papano'y nag-enjoy naman ako nung nandun ako. at ang pinakamalupit dun, makakapagbahagi ako ng kaalaman. magmula ng magsimula ang linggong ito, sobrang pinag-nilay nilayan ko na ang mga posibleng mangyari sa linggo ng aking pagbabahagi. (hehehe ganun talaga. sensya naman. excited lang. first time na formal and classroom teaching e. hehehe) hindi ko akalain na ang minsang pagkaguho at pagkabuo ng aking mga pangarap ay posible palang maulit. ika nga, history repeats itself... hhaaayyyy... sa mga naging paguusap namin ni Purple Butterfly, minsan nasambit kong nais kong bumalik sa lupain ni samuel para madagdagan pa ang aking mga kaalaman. hindi sa dahil kay Samuel yun, kung hindi dahil lang sa mga posible ko pang mga matutunan. oo na, hypocrite na nga, pero yun talaga ang totoo... ni minsan ay hindi na ako kumibo kapag ang pagbalik dun ang pinapagusapan. ayoko kasi mapagisipan na kaya kong ibenta ang sarili ko, makabalik lang dun (ang OA huh?! wehehe) so mabalik tayo, ayun na nga nagkaproblema na nga. nagkaron ng mga kuro-kuro patungkol sa hindi namin pagkakasertipika sa klase. na ang solusyon na kanilang naisip ay ang magpadala ng kakampi galing sa Samuel's Land para ibahagi ang kaalamang ito. kaso sa huling balitang aking nasagap, mukhang malabong mangyari ito... na ang panakip butas na balak ay pumunta kami ni Purple Butterfly sa Samuel's Land. natuwa naman ako sa tsismis na ito. wehehe wow naman! isa na namang pagkakataon. wow talaga! *nakanaman* lingid pala sa kaalaman ng lahat (ewan ko lang kung bakit) na hindi pala ako pwedeng bumalik sa lupaing yun sa kadahilanang kakulangan ng dokumento. si Purple Butterfly?! check na check na ito... sabi nga, good to go! at ako na naman ang merong problema. oo... ako na naman... hay sadyang malupit din tong si Mother Nature e. ayaw na nga tumigil ng ulan, pati tong buhay ko dinale pa. tsk tsk tsk so syempre, hindi naman ako nagpakita ng kahinaan ng loob dahil nagdadasal pa din akong sana makasama ako, para isa na talaga ako sa mga pwedeng magturo. o kaya naman, kung hindi talaga kaya, maghintay na lang kami ng pwedeng magpunta dito na galing sa lupaing iyon. o di kaya'y kahit hindi nila ako isali, okay pa din naman e. ang tanging bumabagabag lang sa isipan at diwa ko, ay sana lang maging epektibo ang maging pamamahagi ng kaalaman ng kung sino mang isasama kay Purple Butterfly. sa ngayon, sobrang tamlay na ng pakiramdam ko na parang ayoko na lang pumasok muna... hangga't walang kasiguraduhan ang lahat, ayoko na munang magpakita sa kanila. ewan ko ba, syempre ako na naman ang merong problema... laging ganito na lang ang naiisip kong solusyon kapag nagkakaron ako ng problema. astig noh? walang kwenta... bahala na nga... pero sana nga... sana nga lang talaga... Mother Nature?!? daming kang choices po... pili ka na lang po sa mga nabanggit, pwede po ba? hhaaayyyy... san kaya kami pupulutin pag nagkataon? well, i guess we'll just have to wait and see...

Wednesday, August 6, 2008

ano'ng meron? part 1...

Photobucketano'ng meron? hindi ko din alam. matagal ng palaisipan sa akin ang mga pangyayaring ito sa buhay ko... sana matulungan nyo akong magisip...

hindi ko sya kilala pero matagal ko ng naririnig ang kanyang pangalan. napagalitan pa ako ng anak ko nung sinabi kong hindi ko kilala ang taong ito. sino ba sya at ano'ng meron sya? sabi ng nakararami, gwapo daw... may dating... mabait... hmm napaisip naman ako dun... sino ba yun?

nagkataon naman na nakilala ko sya nung binalak kong sumali sa mundong ginagalawan ko ngayon... tinangka kong isama sya sa listahan ng mga kaibigan ko sa MSN at sya nama'y nagpa-unlak... *naks* hanep... hehehe mula noo'y nagkakausap na kami. pero hindi ko pa din alam kung anong itsura nya... kinikilig naman itong anak ko kasi nga nalaman nyang nakakausap ko sya... si Nathaniel or Nate Archibald. pangalan pa lang ang gwapo na. hmm ano nga kayang itsura nito? nanumbalik sa alaala ko ang pilot episode ng gossip girl... kamukha nya kaya? hehehe ayun na nga...

Photobucket
hhaaayyy... at dumating ang araw ng paghaharap namin ng pamunuan ng bagong kaharian. kasama ko pa si baby bear nung nagpunta ako... so, sya pala si Nate Archibald. hmm oo nga cute nga sya at mukhang mabait. kilig na kilig naman itong si baby bear nung nakita sya. "mamcy, sya yun! nakita mo?" oo anak, hindi naman ako bulag diba? hehehe akala ko hanggang dun na lang ang magiging "encounter" namin. wala naman kasi akong naramdamang iba kasi alam kong "taken" na sya... ako din naman... hehehe ang hindi ko alam, simula pa lang pala yun.

oo magmula nga noon, lagi na kaming naguusap... hindi nga lang sa personal, laging through MSN. na okay lang naman. malay ko ba kung ano'ng numero ng telepono nya. wala naman kasi akong interes. dumating na lang sa puntong nagpadala sya ng mensahe sa aking telepono na nagsasabing pasensya na kung hindi sya nakapagpadala ng sagot sa aking tanong. nagkasakit daw kasi sya. naawa naman ako. sobrang pagod na siguro nito sa kanyang mga tungkulin kaya nagkasakit. sabi ko naman, ayos lang hindi naman ganun ka-importante yun tanong ko e... in short, naging kaibigan na sya sa paningin at pananaw ko. nagkakabiruan na kami, nag-aasaran gaya ng ginagawa ng magkaibigan. nagkapustahan pa nga. kapag daw pinalad akong mapabilang sa mga susuwertehin, kelangan ko syang ilibre. hhuuwwaatt?!? hehehe hmm sa akin naman ay ayos lang. chosko naman. pera lang yan. *wink* tinanggap ko ang kanyang hamon kasi nga parang nawala naman na ako ng pag-asa na ako'y mapipili pa. napanghinaan na kumbaga. binalik ko sa kanya ang hamon na pano kung ako'y hindi palarin... ang sagot? deadma lang kasi mas malaki naman daw ang nakukuha ko. aba'y lokong bata ito a. tsk tsk tsk hindi naman ata tama yun diba? pero nung huli, tinanggap nya na rin ang hamon.

at dahil nga ako'y pinalad, napaisip akong kelangan kong tuparin ang napagkasunduan. ilang beses lang namin napag-usapan kung paano subalit hindi talaga matuloy-tuloy (kasi naman... senyales na din yan...) minsan (at ito'y natapat na naman sa aking araw ng pahinga... kapag nga naman sinuswerte ka o), nagkaroon ng pagpupulong ang mga kinauukulan kasama ang mga mapalad na mga napili para sa bagong negosyo. hindi ko inaasahang makikita ko sya sa nasabing pulong. simpleng "hi!" lang ang nasabi ko. pamaya-maya pa'y natapos ang pagpupulong. malamang uuwi na ako. heller?!? ano pang gagawin ko dun? minabuti ko munang dumaan sa dati kong mundo at magpakita sa butihin kong kuya. matapos yun, umuwi na din ako. ilang sandali pa'y nakatanggap ako ng mensahe. hmm si Nate... tinatanong kung nasan ako. syempre sinabi kong nakauwi na ako. off ko kasi. wala na akong gagawin dun. madaya daw ako. bakit hindi ko daw sinabi. meron pa daw kasi akong utang sa kanya, sana gumimik na lang daw kami. namula naman ako dun. since kaibigan ko naman na sya, sinabi kong sige pero nasa bahay na ako. kung gusto nya maginuman at magkwentuhan, dito na lang. tapos yun na lang ang libre ko sa kanya. nakauwi na daw sya at nagdahilang hindi nya alam kung san ang bahay ko. malay ko din naman kung san sya nakatira diba? hehehe biro lang, Nate. *wink wink* so ayun na nga... laking gulat ko nung tinanong nya ako kung pano makarating sa aking tahanan (wow! gulat talaga ako nun... promise!). sinabi ko kung pano at sinabihan ko na din syang magpasabi kung malapit na sya. hindi ko na noon maintindihan kung dapat ko bang bigyan ng malisya ang napipinto nyang pagpunta o gaya ng dati, deadma na lang... so ang ginawa ko? deadma na lang... pagdating nya, kwentuhang umaatikabo. walang patid... hanggang sa dalawin na ng antok kaya nagpasya na matulog. pinatulog ko na sya sa silid at naiwan ako sa sala dahil nanunuod pa ako ng paborito kong palabas (hindi gossip girl... hehehe). hindi ko namalayan na ako pala'y nakatulog na... hehehe tapos ginigising na pala nya ako kasi nahiya naman daw syang matulog sa silid magisa. sabi ko ayos lang... no problem. pamaya-maya pa'y umaga na, kung kaya't nagpaalam na sya at umuwi na din. nagpasalamat sya (at syempre ako din) at nangakong magkita na lang sa susunod...
naging madalas ang paguusap namin ni Nate... ng hindi ko napapansing nagiging komportable na ako sa kanya at sa tingin ko, sya din.

(to be continued...)