Sunday, August 22, 2010

days prior...


nung saturday ng umaga, masama na pakiramdam ko... pero sabi ko sa sarili ko, kelangan ko ng time para sa sarili ko... kelangan ko manuod ng sine. niyaya ko si BF na manuod kahit na alam kong mahirap para sa kanya na maghintay kasi until 6am lang ata ung shift nya. ayaw naman namin sabihin kahit kanino (well, not really) kasi ayaw namin na merong ibang kasama. nagsabi ako kay BF na kung pwede nya akong samahan na bumili ng shoes kasi nabanggit ko na sa sarili ko, kelangan ko bigyan ng prize ang sarili ko... okay naman daw sabi nya. habang naghihintay kami na magbukas ang mall, natulog muna sya habang ako naman ay nagpipilit na magtapos ng mga kelangang tapusin. nagkayayaan pa ang buong sangkatauhan na magsama sama sa kadahilanang mejo matagal tagal na panahon na ding hindi nagkakaron ng kahit maliit na salo salo. ayoko talaga sumama... as in... ayoko... parang kahit anong pag-convince gawin nila, hindi talaga ko sumama. hinintay ko sila umalis bago ako nagdesisyon na umakyat para sunduin si bf...
after nya magfreshen up, nagpasama na ko sa kanya magbayad ng bills.. apparently, offline lahat ng 7-11 na puntahan namin... hahaha nice...
nagsimula na kmai maglakad papunta ng mall... nagkwentuhan ng kahit anong pwedeng mapagusapan - kabadtripan sa opisina, hassle sa buhay in general, lovelife at kung anu-ano pa... gusto kong idetalye pero hindi siguro dito... sa ibang entry na lang... hehehe *peace, BF*

pumila na kami... nuod kami ng inception... yey (sabi ko sa sarili ko) makakanuod ako ng sine... yehey talaga!!! :)
habang nanunuod kami, nagulat naman ako na meron nagtext... pauwi ng manila dahil merong kelangang gawin, ideliver or whatever... minsan tuloy naiisip ko, pano kung walang ganun? e di malabo ng magkita pa? oh well, sa ibang entry na ulit yun... (dami ng pending a... hahaha)

natapos ang palabas... nagkakwentuhan pa ulit bago tuluyang naghiwalay ng landas... para kami'y bumalik na sa kanya kanya naming buhay... okay, fine (kahit malungkot)...

imbes na dumiretso ako sa bahay ko, nagpasya akong umuwi sa bahay ng mga magulang ko... masamang masama na tlaga ung pakiramdam ko. masakit ang lalamunan, parang lalagnatin, sinisipon at umiikot ang paningin... pinilit pa din tiisin kasi kelangan ipakita sa mga tao na okay lang ako, kahit hindi na... ang nakakapagtaka, ako lang magisa nun... bwahahaha *may sapi*

nagising ako na merong tumatawag sa telepono... kala ko kung sino na... ang bebehko pala... nandito na daw sya... nasa apartment na sya, hinihintay ako... hindi naman ako makabangon. sakit ng katawan ko at hindi ako makalunok ng maayos...

No comments: