Thursday, March 26, 2015

chevrolet

ito ay tungkol sa isang tao sa industriya kung saan ako'y kasalukuyang kasapi. normal syang manamit, mukhang matalino, tahimik... hindi mo maiisip na meron syang tinatago. kung ano man ito, tanging sya lang ang nakakaalam. wala naman na akong planong mag-usisa at halungkatin pa kung ano man yun.

kadalasan, hindi naman ako nakikihalubilo sa mga tao. pero bilang isang kinatawan ng Kataas-taasang Hukuman, kelangan ko makisalamuha. Mabait naman sya, gaya nga ng aking paunang nabanggit, normal ang lahat sa kanya: pananamit, pananalita, pakikisama. pero syempre, meron ngang mali...

naging malapit ako sa kanya, gaya ng pagiging malapit ko pa sa iba pang mga tao. ang mali? nabigyan nya ng ibang kahulugan ang pakikitungo ko sa kanya. mayroong mga pagkakataon na ako'y magpapamigay ng kung anumang maliliit na mga bagay sa sambayanan. lingid sa aking kaalaman, ang bawat maliliit na bagay na ito ay nabibigyan na pala ng kakaibang kulay. isang magandang halimbawa nito ay ang pagpapamigay ko ng maliliit na tsokolate na binalot sa papel. para sa akin, isa lamang itong pagpapakita ng lubos na pasasalamat sa pagiging malapit namin na magkaibigan. syempre, hindi lang sya ang binigyan ko. katulad ng inaasahan, masaya sya ng makita ang aking munting handog. ngunit, dumating ang isang araw na ibinahagi nya sa akin na nagalit ang kanyang kabiyak dahil mayroong nagbigay ng simpleng aginaldo sa kanya. ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan na bigyan ng ibang ibig sabihin or malisya kaagad ang pagbibigay ng isang simpleng bagay? nung oras na ito inisip ko na lang na wala lang to, isang maliit na hindi pagkakaintindihan lang. kung anuman ang napagtalunan or napag-usapan nila, hindi ko alam. gaya ng dati, hindi ako nag-usisa or nagtanong pa hinggil dito. sa aking paniniwala, hindi na para makialam ako dahil hindi ko naman alam kung anong dahilan at anong naging argumento nilang dalawa.

ilang araw ang nakalipas, wala naman akong binanggit sa kanya hinggil dito. nagkukulitan kaming magkakaibigan gaya ng nagkagawian, na sa aking pakiwari, wala pa din malisya. madalas sa magkakaibigan, sa pagkakaalam ko, mayroon kang karapatan na maglambing or makiusap ng mga bagay na gusto mong ipabili, lalo na kung ang mga bagay na ninanais mong mabili ay hindi malapit sa iyo. meron pa din pala itong ibig sabihin... para sa kanya... syempre, wala akong malisya... pa rin... haayyy manhid daw kasi ako... wahahaha 

minsan napasulyap ako sa kanyang telepono... 'mahal,' wika ng mensahe... hehehe tsismoso lang... tinatanong nya, "nasan ka? anong oras ka uuwi?" hala kata, dinedma lang. baka kung anong isipin nun, a... nakuu...

dumating ang araw na hindi na kami nagpapansinan.. dahil siguro sa dami na din ng ginagawa at umiiwas na sya. deadma lang naman sa akin. ayos lang... mas mainam pa nga siguro un. biglang lumapit sa akin si peppa pig... tinatanong bakit hindi kami naguusap. sagot ko? aba, malay ko... meron daw syang alam, pero ayoko magusisa... kasi nakakaramdam naman ako sa kung ano man un alam nya... isa pa, ayoko na maconfirm pa un at baka magbago ang pakikitungo ko sa kanya. hanggang sa nagtext sya...

ITUTULOY........